Problema sa marking pen, hindi nagbukas na VCMs naitala sa Caloocan

Maagang dumagsa ang mga botante sa Caloocan Central Elementary School.

Ayon kay Mr. Yulo Fortes, miyembro ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ng Diocese of Kalookan, eksakto alas-6:00 ng umaga nang magsimula ang botohan sa Central.

Naging mapayapa at maayos ang pagdaraos ng halalan sa paaralan.

Nagkaroon lamang ng mga insidente ng hindi agad pagbubukas ng mga vote counting machines (VCMs) na mabilis namang nasolusyonan ang mga ito dahil bawat presinto ay may technician.

Ayon sa mga sumbong sa PPCRV, ang balakid na hinaharap nila sa ngayon ay ang kakulangan sa marking pens.

Ayon kay Mr. Yulo, may ilang mga botante na nagrereklamo tungkol sa natutuyong marking pens habang ang ilang presinto ay mayroon umanong hindi sapat na pang-marka.

Nahihirapan din ang matatanda sa paghahanap ng kanilang pangalan sa mga voting precincts.

Samantala, ayon sa Caloocan Police, wala pang mga insidente ng krimen na napapaulat hanggang ngayon.

Hindi gaanong mahigpit ang labanan dito sa Caloocan City.

Si incumbent Mayor Oscar Malapitan ay tumatakbo na sa ikatlong termino habang walang kalaban at sigurado nang panalo sa pagkabise alkalde ni Maca Asistio.

Read more...