VCM sa polling precinct ni Mayor Abby Binay pinalitan dahil sa technical problem

Inquirer Photo | Nestor Corrales
Nagkaproblema din ang pagboto ni incumbent Makati City Mayor Abby Binay.

Ito ay makaraang magkaroon ng problema ang vote counting machine (VCM) sa kaniyang polling precinct number 0926A sa

San Jose Elementary School sa Makati City,.

Alas 8:35 ng umaga kinailangang i-shutdown ang VCM dahil sa tecnical problem.

Pinalitan muna ang VCM at pasado alas 10:00 ng umaga ay nakaboto na rin si Binay.

Nang matanong ng media kung kumusta sila ng kapatid na si mayoralty candidate Junjun Binay ay sinabi ni Mayor Abbby na kailangan muna niyang mag-heal.

Read more...