Botohan sa maraming presinto sa San Fernando, Cebu naantala dahil sa problema sa VRV machines

Pumalya ang ginagamit na voters registration verification system (VRVS) sa maraming presinto sa San Fernando, Cebu.

Sa ulat ng Cebu Daily News, kinailangang idaan sa manual check ang pangalan ng mga botante makaraang pumalya ang VRV machines.

Hindi naman alam ng election officer kung ano ang dahilan ng pagpalya ng makina.

Tiniyak naman ng election officer ng bayan ng San Fernando na si Mario Oville na tuloy ang halalan sa lugar dahil maayos naman aniya ang mga vote counting machines.

Read more...