Kagawad ng barangay sa Misamis Oriental patay sa pananambang matapos bumoto

Patay sa pamamaril ang isang opisyal ng barangay sa Misamis Oriental.

Katatapos lamang bumoto Kagawad Rick Isidro Moreno ng Barangay Poblacion Uno nang siya ay pagbabarilin sa bayan ng Clarin.

Pauwi na sa kaniyang bahay mula sa kaniyang polling precinct ang biktima nang mangyari ang pananambang.

Agad isinugod sa ospital si Moreno pero idineklarang dead on arrival.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.

Read more...