Vice Gubernatorial Candidate Bojie Dy sa Isabela nakaboto na

Nakaboto kaninang alas 9:40 si Vice Gubernatorial Candidate Faustino Bojie Dy III sa Cauayan South Central School sa Isabela.

Mahigit sa isa’t kalahating oras ang ipinila ni Dy bago nakaboto.

Nang ipapasok na sana sa vote counting machine ang balota ni Dy muli itong bumalik sa upuan para magdagdag pa ng iboboto

Ayon kay Dy, may nakalimutan siyang punan sa parte ng balota kung kaya’t minabuti niyang balikan ito.

Hinikayat naman ni Dy na makilahok ang mga mamayan sa pagboto ngayong araw ng halalan.

Read more...