Mayor Carlwyn Baldo nagpasyang huwag nang bumoto

Nagpasyang ang nakapiit na si Daraga, Albay Mayor Carlwyn Baldo na huwag na lamang bumoto ngayong araw ng halalan.

Ito ay base sa isang waiver na ginawa ng Alkalde isang araw bago ang eleksyon.

Ayon kay Legazpi City Jail warden Rodolfo Verzosa, nagdesisyon si Mayor Baldo na hindi na lang bumoto makaraang sabihan na tanging ang national candidates at partylist group lamang ang maaari niyang ihalal at hindi ang tumatakbo sa lokal na posisyon.

Iginiit pa ni Baldo na “useless” na rin kung hindi siya papayagang bumoto ng mga lokal na kandidato.

Si Baldo na pangunahing suspek sa pamamaslang kay Ako Bicol party-list Representative Rodel Batocabe ay muling tumatakbo sa pagka-alkalde sa bayan ng Daraga.

Noong Biyernes ay sumuko ang alkalde.

Read more...