Biyuda ni Ako Bicol Party list Rep. Rodel Batocabe bumoto na

Nakaboto na ang biyuda ni Ako Bicol Party list Rep. Rodel Batocabe sa Bañag Elementary School sa Daraga, Albay.

Si Gertrudes Batocabe ang pumalit sa kandidatura ng kanyang mister sa pagka-alkalde sa Daraga at makakatunggali nito ang incumbent mayor na si Carlwyn Baldo.

Sinabi ni Ginang Batocabe na bagaman nananatili pa rin ang sakit ng pagpanaw ng kaniyang mister matapos tambangan ay kailangan nilang harapin ang kasalukuyang sitwasyon.

Kasama ni Gertrudes na bumoto ang kanilang anak na sina Justin at Kiel Marc.

Magugunitang si Baldo ang pangunahing suspek sa pagpatay kay Batocabe at police escort nito.

Read more...