Botohan sa isang presinto sa Bacolod City naantala dahil sa aberya sa VCM

Hindi kaagad nasimulan ang pagboto sa isang presinto sa Barangay Singcang-Airport sa Bacolod City matapos magka-aberya ang gagamiting vote counting machine.

Ayon kay Lilibeth Cordova na tumatayong Electoral Board Chairman sa precinct 254 na nasa Jose R. Torres Elementary School, nagkaproblema ang voter registration verification system kaya hindi sila maka-log-in.

Dahil dito, sinabi ni Cordova na kailangan nilang gawing manu-mano ang pag-beripika ng pangalan ng mga registered voters para mabigyan ng balota.

Sinundan naman ito ng aberya sa VCM kaya tumagal ng 20-minuto ang pagboto sa naturang presinto.

May naitala ring aberya sa precinct 253 sa makinang gagamitin ng mga persons with disabilities at senior citizens.

Sa kabila nito ay pinaboto pa rin ang mga ito at inilagay sa isang container ng makina habang naghihintay ng replacement na VCM.

Sa final testing and sealing noong biyernes tatlong VCM sa Bacolod City ang natuklasang depektibo at kinailangang palitan.
Excerpt:

Read more...