“Mga pulitikong hindi dapat iboto!” sa ‘WAG KANG PIKON ni JAKE MADERAZO

Pipili tayo ng mga kandidato sa pagbubukas ng “polling precinct”.

Nakahanda na rin sa isip natin kung sinu-sinong “senatoriable” ang ilalagay sa ating Magic 12.

Maski Mayor, vice mayor at mga konsehal sa distrito ng lungsod natin ay nakalista na rin sa ating kodego.

Tandaan sana na ibang eleksyon ang mangyayari ngayon kaysa noong 2010. Meron nang 85 “enhancements” o pagbabago upang matiyak na hindi magkakadayaan sa bilangan sa presinto hanggang canvassing sa “Comelec”. Magkakaalaman mamayang gabi kung ang mga tunay na boto ng tao ang lalabas sa resulta ng mga vote counting macshines o dating PCOS.

Sa totoo lang, maraming depekto ng ating demokrasya ay galing sa mga dayaan sa eleksyon.

Meron nga tayong mga presidente, senador at iba pang opisyal na hindi naman talaga dapat nanalo pero na-smartmagic noong nakaraan. Kayat sa halip magkaisa pagkatapos ng eleksyon, lalong nahati ang bayan dahil kwestyunable ang resulta. . Kung parehas at hindi dinadaya ang eleksyon, ang tunay na hinalal ng masa ang ttanggaping nag-iisang lider ng ating bansa.

Bukas, pipili na naman tayo ng labindalawang senador, dalawandaan at 32 congressmen, 81 senador, 145 city mayors at 1,489 municipal mayors kasama ang kanilang city at municipal councilmen at provincial board members.

Paalala lamang at unang-una, huwag sanang iboto ang mga kandidatong akusado sa mga anomalya sa paglustay ng pera ng gobyerno., lalong lalo na iyong mga nakulong na.

Ikalawa, huwag iboto ang mga kandidatong nagmamalinis ngayon pero noong nakaraang administrasyon ay tahimik sila sa kaliwat kanang mga anomalya, tulad ng Dengvaxia, trahedya tulad ng Yolanda, SAF 44 at DAP (PORK BARREL) Ikatlo, huwag iboto ang mga kandidatong magbabalik ng mga “criminal” at “adik” sa mga lansangan at pamayanan. Diyan po nasira ang “Democratic party” sa Amerika, kung saan, ang pananaw ng marami roon ay sila ang nagtatanggol ng “human rights” ng mga “criminal”, “adik” at “drug lords”.

Ikaapat, piliing mabuti ang mga nagbabalik na “graduating senators” at isipin ang kanilang “track record”. Sila ba’y nagging miyembro lamang ng “komite de silencio”, o nanahimik lang sa Senado at walang ginawa? Ikalima, kasama ba ang mga senador na ito sa mga grupong nagpapatuyo ng P8-12-B Borloloy Senate building diyan sa Fort Bonifacio? Ika-anim, kasama ba sila sa mga Senador na tumanggap ng tig- P50-M hanggang P200-M pork barrel galing kay Pny para mapatalsik si dating Chief justice Renato Corona?

Doon sa mga kandidato sa local elections, ito ang dapat niyong itanong sa sarili bago bumoto. Una, ang kandidato ba sa pagka-mayor ay merong kasong katiwalian sa Ombudsman o Sandivambayan? Kung merong kaso, wag nang iboto. , Ikalawa, ang kandidato ba sa pagka-mayor ay bata at masigla pa? Kung matanda na o edad 70 pataas, huwag niyo nang iboto. Tutal hindi na rin siya makakaikot sa inyong lugar at hindi kayo masisilbihan, Ikatlo, tingnan ang “track record” at karakter ng iboboto ninyong alkalde. Mabait ba siya o mnagbabait-baitan lang?

Mahirap na pong magsisi sa bandang huli. Lalong lalo na iyong mga taong tatanggap ng pera kapalit ng boto. Kaya walang respeto ang mga nahahalal na alkalde at iba pa sa taumbayan ay dahil “binebenta” nila ang kanilang mga boto. Panahon na upang wakasan ito.

(Panoorin ang Banner story 8-9am DZIQ 990AM Lunes-Biyernes at mag-email sa jakejm2005@yahoo.com para sa comments)

Read more...