Ang pagtugon sa malawakang vote-buying ang pinakamatinding hamon na kinakaharap ng Philippine National Police (PNP) ngayong 2019 midterm elections.
Sa kaniyang press briefing sa ganap na pag-uumpisa ng botohan, sinabi ni PNP chief, Police General Oscar Albayalde na nakapagtala na sila ng 79 na insidente ng vote-buying kung saan 213 ang nadakip, at 10 pa ang pinaghahanap.
Inilarawan ni Albayalde na “massive” o “kaliwa’t-kanan’ ang nagaganap na vote-buying.
Patuloy aniyang nakatatanggap ng mga ulat ng vote-buying ang PNP.
May ilan din namang ulat na nagnenegatibo.
Gaya na lamang ang ilang insidente na may nakikitang grupo-grupo o sama-samang sumasakay sa isang arkiladong jeep na iniuulat na agad sa PNP na vote-buying.
Hinihikayat naman ni Albayalde ang publiko na patuloy lang na magreport sa PNP dahil ang mga ulat ay isinasailalim naman sa beripikasyon.