Kinulang sa specialized pens na gagamitin sa pag-shade ng mga balota at nagkaroon din ng problema sa VCM.
Ayon sa Comelec-Kidpawan, gumamit na lamang muna sila ng lumang shading pens na natira noong 2016 elections.
Pero dahil 660 na lumang pens lang ang natira noong 2016 elections, tig-aanim na pens lang ang naipamahagi sa nasa 110 clustered precincts sa Kidapawan.
Dahil dito, sinab ni Acting City Election Supervisor Josephine Macapas, anim na tao lamang ang sabay-sabay na nakaboto bawat polling precincts.
Natuklasan ang problema sa marking pens dahil sa isinagawang final testing at sealing ay paulit-ulit na nire-reject ng VCM ang balota.
MOST READ
LATEST STORIES