LOOK: Mga kandidato sa San Juan City na nakaboto na

Sa San Juan City, maagang bumoto ang pamilya Zamora.

Kabilang dito sina San Juan City Mayoral Candidate Francis Zamora at reelectionist San Juan Congressman Ronaldo Zamora.

Bumoto ang mag-ama sa Xavier School sa San Juan alas 7:40 ng umaga kasama ang iba pang miyembro ng kanilang pamilya.

Isa ang San Juan sa binabantayan ang magiging resulta ng eleksyon, dahil magkalaban sa pagka-mayor sina Zamora at ang anak ni Jinggoy Estrada na si Janella Estrada.

Kalaban naman ng nakatatandang Zamora ang aktor na si Edu Manzano.

Samantala bumoto na rin si San Juan City Mayor Guia Gomez sa Xavier School.

Ayon kay Mayor Guia, umaasa siyang si Janella Estrada ang papalit sa kaniya sa pwesto.

Sa parehong paaralan din bumoto si Manzano.

Read more...