Mga botante dagsa na sa polling precincts sa Cauayan City, Isabela

Maagang dumagsa ang mga botante sa Cauayan South Central School na isa sa pinakamalaking polling center sa buong Cauayan City.

Ayon sa Comelec, mayroong 13 precinto sa Cauayan South kung saan 9 na presinto ang sa district 1 at 4 naman ang district 3.

Inaasahang nasa siyam hanggang sampung libong katao ang bobonto ngayong araw..

Para naman sa mga botanteng matatanda, buntis, at PWDs ay may nakatalagang nilang holding area upang hindi mahirapan ang mga ito.

Nala namang naging malaking aberya sa vote counting machines maliban sa paper jam sa isang presinto.

Sa kabuuan ay mapayapa ang lagay ng botohan dito sa Cauayan South Central School.
Excerpt:

Read more...