Pagboto ni dating VP Binay nagka-aberya; balota ilang beses na hindi tinanggap ng VCM

Maagang bumoto si dating Vice President Jejomar Binay sa San Antonio National High School sa San Antonio Village Makati City.

Nagsimula ang proseso ng pagboto ni Binay alas 7:30 ng umaga.

Mabilis sana natapos ang pagboto ni Binay, pero pagdating sa Vote Counting Machine (VCM) ay ilang beses na hindi tinanggap ang kaniyang balota.

Ayon kay Binay, malinis naman at walang marka ang kaniyang balota.

Walong beses na ipinasok sa VCM ang balota ni Binay at walong beses din itong hindi tinanggap.

Dahil dito, sinabi ni Binay na didiretso siya sa Commission on Elections (Comelec) para magreklamo.

Si Binay ay tumatakbong kongresista sa Makati.

Read more...