Maraming senatoriables ang maagang nakaboto.
Si re-electionist Senator Koko Pimentel maagang bumoto sa Cagayan De Oro City Central School sa Barangay 29 (Poblacion), sa Cagayan de Oro City, Misamis Oriental.
Si senatorial candidate Mar Roxas naman ay maagang pumila sa Don Conrado Barrios Elementary School sa Baybay, Roxas.
Nakaboto na rin si senatorial candidate Bam Aquino.
Maaga ring pumila si Aquino sa Central Elementary School sa Quezon City at inabot lamang ng tatlong miunto ang proseso ng kaniyang pagboton mula nang ibigay sa kaniya ang balota.
Si senatoriable Francis Tolentino naman ay bumoto sa paaralan na nakapangalan sa kaniyang lolo.
Naging maayos naman ang naging pagboto ni Tolentino sa Francis Tolentino Memorial National High School sa Tagaytay kung saan hindi aniya gumana ang voters’ identification at nag-manual na lamang ang mga BEI.
Si re-electionist Senator JV Ejercito maaga ring dumating sa Xavier School sa San Juan City para bumoto.
Ang aktor at senatorial candidate na si Lito Lapid ay maaga ding nagtungo sa kanyang presinto sa Porac, Pampanga para bumoto.
Sa Sipalay Negros Occidental naman bumoto si Otso Diretso candidate Magdalo Rep. Gary Alejano.
Si re-electionist Sen. Cynthia Villar ay bumoto sa Las Pinas Science High School kasama ang mister na si Manny Villar at anak na si daughter Camille.
Si Otso Diretso candidate Chel Diokno ay bumoto naman sa San Juan National High School.
St. Paul College sa Quezon Citiy bumoto si Senatoriable Larry Gadon.
Si Jiggy Manicad naman ay sa Don Enrique Bautista Elementary School sa San Pablo City Laguna.
Si dating Sen. Bong Revilla Jr., nakaboto na rin sa Cavite kasama ang misis na si incumbent mayor Lani Mercado-Revilla at anak nilang si Jolo Revilla.
Si dating PNP chief at HNP senatorial bet Bato dela Rosa ay nakaboto na rin saDavao City.
Matapos namang maghintay ng halos dalawang oras at kalahati sa pila, nakaboto na rin si re-electionist Senator Sonny Angara at kaniyang asawa na si Tootsy sa Suklayin Elementary School, Barangay Suklayin, Baler, Aurora.