Pari, 5 iba pa patay sa pag-atake sa isang simbahan sa Burkina Faso

Patay ang anim na katao kabilang ang isang pari sa ikalawang insidente ng pag-atake sa simbahan sa Burkina Faso.

Ayon sa mga otoridad, sa loob ng dalawang linggo ay dalawang simbahan ang inatake sa lugar.

Palabas ng simbahan ang mga tao nang sila ay atakihin at pagbabarilin ng mga suspek.

Anim ang agad na nasawi kabilang ang isang pari.

Matapos ang pamamaril, sinunog pa ng nasa 20 armadong lalaki ang simbahan at nagnakaw sa isang pharmacy at iba pang tindahan sa lugar.

Read more...