Paaralan kung saan boboto si Pangulong Duterte maagang ininspeksyon

Maagang nag-inspeksyon ang mga tauhan ng Presidential Security Group (PSG) sa paaralan sa Davao City kung saan boboto si Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw.

Bago mag alas 5:00 ng umaga nasa Daniel R. Aguinaldo National High School na ang mga tauhan ng PSG at mga bomb sniffing dog para tiyakin ang seguridad sa paaralan.

Alas 3:00 ng hapon boboto ang pangulo sa nasabing paaralan sa bahagi ng Aplaya Road sa Brgy. Matina, Crossing sa Davao City.

Kagabi sinuri na rin ng mga tauhan ng Philippine National Police Bomb Squad ang palibot ng paaralan.

Read more...