Munisipyo ng Datu Odin Sinsuat, hinagisan ng granada ilang oras bago magsimula ang eleksyon

May naganap na malakas na pagsabog sa Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao, ilang oras bago magbukas ang mga polling precinct para sa eleksyon.

Ala 1:00 ng madaling araw ng Lunes, May 13, naganap ang pagsabog ng granada sa labas ng Datu Odin Sinsuat Municipal Hall.

Sa kuha ng CCTV sa labas ng munisipyo, dalawang lalaking sakay ng motorsiklo ang nakitang dumaan sa lugar.

Sa naturang lugar isinasagawa ang pagmamahagi ng election paraphernalia.

Matapos dumaan ang motorsiklo, ilang segundo lamang ay nangyari na ang pagsabog.

Wala namang nasaktan sa insidente.

Read more...