Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, sa datos, ngayong umaga, ay umabot na sa 32 ang naitatalang kaso ng vote buying.
Alas 2:00 naman ng madaling araw kankina ay umabot na sa 34 ang mga naitalang kaso ng paglabag sa umiiral na liquor ban.
Sa nasabing bilang, 175 na ang nadakip.
Habang sa mga insidente naman ng karahasan na mayroong kinalaman sa eleksyon ay 43 na ang naitalang kaso ng Comelec kung saa 73 ang naitalang biktima.
Ayon kay Jimenez, mas mababa naman ito kumpara sa 2016 election related incidents na kanilang naitala.
READ NEXT
Operasyon ng mga transmission lines at mga pasilidad ngayong araw ng halalan normal ayon sa NGCP
MOST READ
LATEST STORIES