P140M at P72M jackpots ng Super Lotto at Ultra Lotto napanalunan

Dalawang mananaya ang maswerteng napanalunan ang multi-milyong jackpot ng Super Lotto 6/49 at Ultra Lotto 6/58.

Sa draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PSCO) Linggo ng gabi, nasungkit ang winning combination sa 6/49 na 25-31-07-28-18 -27 at katumbas ng jackpot na P142, 668, 428. 80.

Ang winning combination naman sa Ultra Lotto ay 06-17-04-26-08-15 katumbas ng P72,169,131.40.

Para makuha ang premyo, dapat tumungo sa main office ng PCSO sa Mandaluyong City ang lucky bettors at magpakita ng dalawang ID.

May bawas naman na 20 percent na tax ang premyo alinsunod sa probisyon ng TRAIN law.

Read more...