Ilang opisyal ng isang barangay sa Makati, huli sa vote buying

Nahuli ng mga otoridad ang vote buying at selling para kay Makati Mayor Abigail “Abby” Binay makaraang masakot ang mahigit 60 katao sa brangay hall ng San Isidro.

Sa ulat ng National Capital Region Police Office (NCRPO), natiyempuhan ang vote buying at selling 10:45 kamakalawa ng gabi sa Barangay Hall ng San Isidro sa 2246 Marconi Street, Makati City.

Naaresto sa operasyon ang mga bumibili ng boto na sina Barangay Treasurer Karen May Matibag; Barangay Secretary Medlyn Joy Ong; Administration Officer Marie Antoinette Capistrano; Wenifredo Ong, Mario Louis Siriban, Adrian Chiapoco, John Brian C Matibag at Ma. Liberty Dacullo.

Dinakip din ng mga otoridad ang 55 katao na tumatanggap ng pera para sa kanilang boto.

Una rito, nakatanggap ng impormasyon ang Regional Special Operations Unit (RSOU) hinggil sa talamak na vote buying sa lugar kaya’t agad na ikinasa ang operasyon.

Pagdating mga awtoridad sa lugar, natiyempuhan ang mga inaresto sa aktong vote-buying at selling.

Nakumpiska sa operasyon ang 819 na piraso ng tig-P500 na umaabot sa P410,000.00, 19na assorted IDs; 10 units ng cell phone; talaan ng mga botante na may address at precinct no; at 2 kahon ng Ulat sa Bayan Leaflets ni Mayor Mar-Len Abigail Binay.

Agad na dinala ang mga inaresto at nakumpiskang ebidensya sa headquarters ng NCRPO.

Read more...