Tumama ang magnitude 3 na lindol sa Catanduanes, Linggo ng umaga.
Sa datos ng Phivolcs, namataan ang lindol sa 24 kilometers Southeast ng Virac bandang 10:35 ng umaga.
may lalim ang lindol sa 49 kilometers at tectonic ang origin.
Gayunman, sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala sa mga ari-arian sa lugar.
Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
MOST READ
LATEST STORIES