Sa kanyang talumpati sa miting de avance ng PDP-Laban sa Philsport Arena sa Pasig City, mas mahaba ang iginugol ng Pangulo sa pagbatikos sa mga kandidato ng Otso Diretso kaysa ang magsabi ng tungkol sa mga kandidato ng administrasyon.
“If you believe in Bikoy, kindly vote for the Otso Diretso. Pag maniwala kayo, doon kayo. If you want a country of inutil, mga duwag, ayan ang mangyayari sa gobyerno ninyo,” ani Duterte.
Binatikos ng Pangulo ang oposisyon partikular sina Bam Aquino, Florin Hilbay, Mar Roxas, Gary Alejano at Chel Diokno.
Ayon sa Pangulo, walang nagawa si dating Senador at DILG Sec. Mar Roxas.
“Mar Roxas. What is in the — what’s in the name? Sige nga? He’s what? President? Lolo? And his father? So what about it? Siya? Anong binigay niya sa bayan? Mar Roxas, panahon ni [former President Benigno] Aquino, trade minister. Panahon ni Gloria [Macapagal-Arroyo], trade minister. Tapos Aquino na naman, DOTC, Department of Transportation and Communications, tapos DILG [Department of the Interior and Local Government]. Anong ginawa niya? Eh ‘di prangka-prangka lang. Unpopular man si Roxas. I am not saying na mas mahusay ako sa kanya,” dagdag ng Pangulo.
Inakusahan naman ng Pangulo si Sen. Bam Aquino na “credit-grabber” dahil sa pag-angkin umano sa batas.
Samantala, binanggit ng Pangulo ang mga kandidato ng administrasyon noong patapos na ito sa kanyang talumpati.
“I need men sa Senate. Kailangan ko ng mga tao na hindi… Ma-ano ‘yan sila, but they delay kasi ayaw. ‘Yung iba kausapin pa,” ani Duterte.