Duterte sinisi si Poe sa problema sa trapik sa EDSA

Binanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte si reelectionist Senator Grace Poe dahil sa problema sa matinding trapik sa EDSA.

Sa kanyang talumpati sa miting de avance ng Hugpong sa Tawong Lungsod sa Davao City, sinabi ng Pangulo na hindi pinayagan ni Poe ang paglalaan ng pondo na umanoy magreresolba sana sa problema.

“In Congress, Grace Poe made a comment. She said, ‘That amount of money is just too big. We might lose all that money to corruption.’ So when I heard it — we don’t know each other that well — I told the Congress, ‘Never mind. I will not ask for money anymore, forget it,” ani Duterte.

Pero sinabi ng Pangulo na wala rin namang problema sa kanya kung maging senador muli si Poe.

Nangako naman ang Pangulo na sosolusyunan niya ang trapik sa EDSA pero kailangan niya anya ang pera.

Read more...