16,000 na pulis itatalaga ng NCRPO sa eleksyon

All set na ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa pagbabantay sa eleksyon sa Lunes May 13 kung saan 16,000 na mga pulis ang magtitiyak ng seguridad at kaayusan sa Metro Manila.

Ayon sa NCRPO, dagdag na 1,000 pulis ang naka-standby para tumugon sa anumang pangyayari.

Nakasaad sa pahayag na inaasahan ang pinakamataas na lebel ng kahandaan sa lahat ng istasyon at units ng pulisya sa Metro Manila.

Samantala, kinansela ni NCRPO chief Major General Guillermo Eleazar ang lahat ng leave ng mga pulis liban sa emergency para matiyak na 100 porsyento ang presensya ng mga otoridad sa iba’t ibang police stations.

Kinumpirma naman ni Eleazar na lahat ng 8,298 vote counting machines (VCMs) na gagamitin sa Metro Manila ay nadeliver nasa 723 polling centers.

Paalala pa ni Eleazar, epektibo na simula alas 12:01 madaling araw ng Linggo ang liquor ban na tatagal hanggang alas 12:01 ng Lunes May 13.

Utos naman nito sa mga pulis, manatiling non-partisan at panigan kung ano ang tama.

Read more...