Roger Federer, natalo laban kay Dominic Thiem sa Madrid Open quarterfinals

Matapos ang pagkapanalo ni Roger Federer nang tatlong beses sa larong tennis, natalo na siya laban kay Dominic Thiem sa Madrid Open quarterfinals noong Biyernes.

Natalo siya sa puntos na 3-6, 7-6, 6-4. Bagaman natalo si Federer, masaya umano siya sa kaniyang naging laro.

Si Thiem naman ay makakalaban sa susunod si top-ranked Novak Djokovic na hindi nakapaglaro sa quarterfinals dahil umurong ang kaniyang kalaban dahil na-food poison ito.

Ang iba namang magkalaban sa semifinal ay si Stefanos Tsitsipas at si Madrid Champion Rafael Nadal.

Read more...