Nakuha ng mga otoridad ang nagkakahalagang P72,100, flyers na nasa likod nito ay sample balot, listahan ng mga pangalan at carebook.
Hinuli naman otoridad ang 6 na vote buyers at 11 na vote sellers.
Pinaliwanag naman ni Luis Argana Jr., isa sa mga leader ng grupo ni Simundac, na ang pera ay para sa kanilang mga tao na magsisilbi ngayong eleksyon.
Ininspeksiyon din ng mga otoridad ang sasakyan ni Argana, pero wala naman nakita o nakuha na posibleng makadagdag sa ebidensya.
Dumating din si NCRPO Chief Guillermo Eleazar, ayon sa kanya patuloy pa rin ang kanilang gagawing imbestigasyon at ipapasa ito sa COMELEC upang maihain ang karapampatang aksyon.