Mga pasaherong pauwi sa probinsiya, dagsa na sa mga terminal para bumoto sa 2019 Midterm Elections sa Lunes

Dahil nalalapit na ang eleksyon, dumagsa na sa mga terminal ngayong araw ang mga pasaherong uuwi ng probinsya para bumoto sa Lunes.

Ito ay matapos ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte na special non-working holiday ang araw ng May 13 upang magkaroon ng pagkakataon makaboto sa probinsiya ang mga nagtatrabaho sa Metro Manila.

Dadagsa sa Araneta Bus Terminal sa Cubao ang mahigit 6,000 na mga pasahero bawat araw ngayong linggo ang mga uuwing pasahero sa probinsiya.

Asahan ring dadagsa ang mga pasahero sa South Station Terminal sa Muntinlupa City patungo sa Batangas, Laguna at Quezon.

Read more...