Julia Barretto, hindi humingi ng permiso kay Joshua para gawin ang daring scenes nila ni Gerald

Hindi humingi ng permiso si Julia Barretto sa kaniyang boyfriend na si Joshua Garcia para gawin ang mga daring scenes nila ni Gerald Anderson.

Ayon kay Julia, kung nararamdaman ng isang tao na mabuti sa kaniya ang ang isang bagay, hindi na aniya kailangan humingi ng permiso sa iba.

Ang isa sa mga natutunan ni Julia sa kaniyang ina na si Marjorie Barretto ay siya mismo ang kokontrol sa kaniyang buhay.

Inamin naman ni Julia na matagal niyang nasabihan si Joshua tungkol sa gagawing pelikula dahil gusto muna niyang kumpirmahin kung sino ang kaniyang magiging leading man.

Sa unang pagkakataon, magtatambal sa big screen si Julia at Gerald para sa pelikula ni Jason Paul Laxamana na “Between Maybes” na mapapanood sa mga sinehan sa May 15.

Read more...