Ayon sa 4am weather update ng ahensya, ang sama ng panahon ay huling namataan sa layong 570 kilometro Silangan Hilagang-Silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Nakapaloob ang LPA sa inter tropical convergence zone (ITCZ) na nakakaapekto pa rin sa Mindanao partikular sa Caraga at Northern Mindanao.
Posible namang matunaw na rin ngayong araw ang LPA.
Sa natitirang bahagi ng Mindanao at sa buong Visayas ay asahan na ang maaliwalas na panahon na maliban na lamang sa panandaliang buhos ng ulan dulot ng localized thunderstorms.
Samantala, inaasahan ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkidlat at pagkulog sa Luzon dahil sa southwesterlies.
Walang nakataas na gale warning saanmang baybaying dagat ng bansa at ligtas na makapaglalayag ang mga mangingisda.