Phoenix Petroleum may higit P1 rollback sa gasolina simula mamayang tanghali

Sa ikalawang sunod na linggo ay may bawas-presyo sa mga produktong petrolyo.

Kaugnay nito ay buena mano na magpapatupad ng rollback ang Phoenix Petroleum.

Sa abiso ng kumpanya P1.30 kada litro ang bawas sa presyo ng gasolina at epektibo na agad mamayang alas-12:00 ng tanghali.

Ayon sa Phoenix, ang maagang pagpapatupad ng rollback ay upang makapag-avail ang mga motorista ng murang petrolyo sa loob ng mas mahabang panahon.

Wala namang inanunsyong rollback sa presyo ng diesel.

Inaasahang mag-aanunsyo na rin ng bawas-presyo ang iba pang kumpanya ng langis simula ngayong araw.

Read more...