Matteo Guidicelli ibinahagi ang training bilang Army reservist

Ikinuwento ng aktor na si Matteo Guidicelli ang mga ginawa niyang pagsasanay bilang miyembro ng Army Reserve Command.

Ayon kay Matteo, bilang Pilipino, ang paggiging reservist niya ay bilang pagbabalik sa nagawa ng bansa para sa kanya.

Sa kanyang training ay naranasan ni Matteo ang disaster relief operation.

Kasama rin sa training ang pagbisita sa mga sugatang tropa ng gobyerno at mga dating rebelde.

Hindi naman daw nakatalaga ang aktor sa battle zones pero sakaling dumating ang panahon ay handa naman ito sa giyera.

Adbokasiya ngayon ni Matteo ang pagtulong sa bansa at bilang reservist ay trained at handa siya para rito.

Masaya naman si Matteo na suportado siya ng girlfriend na si Sara Geronimo sa kanyang ginagawa.

Read more...