3 patay, 8 sugatan sa aksidente sa Negros Occidental

Credit: Himamaylan Police

Patay ang tatlo katao at sugatan ang walong iba pa sa salpukan ng closed van at tricycle sa Himamaylan City, Negros Occidental.

Nasawi ang tricycle driver na si Kevin Jade Montaño at ang mga pasahero nitong sina Joshua Valdez, 15 anyos at Faith Joy Hontiveros.

Anim pang pasahero ng tricycle ang nasugatan karamihan ay menor de edad.

Dalawa namang pasahero ng van na sina Danny Boy Sanny at Roy Daguia ang sugatan din.

Nabatid na nang-agaw ng linya ang tricycle at bumangga ito sa van.

Ayon kay Police Lt. Col. Ervin Glenn Provido, hepe ng Himamaylan Police, maaaring nawalan ng kontrol ang tricycle dahil overloaded ito ng pasahero.

Bigla anyang lumiko ang tricycle kaya hindi na nakontrol ng driver ng van na si Dario Pontino ang pagbangga kahit nagpreno pa ito.

Bagamat kasalanan ng tricycle ay handa namang tumulong ang may-ari ng van sa mga biktima.

Read more...