Lalaking nakasuot ng ‘Spider Man’ nanggulo sa San Miguel-Magnolia fight

Isang lalaking nakasuot ng Spider Man costume ang biglang pumasok sa court sa gitna ng laban ng San Miguel at Magnolia sa PBA Philippine Cup Biyernes ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Ang hindi pa napangalanang audience ay biglang tumakbo sa court sa natitirang 3 minutes and 6 seconds ng laro na may hawak na sign na may nakasulat an “vote love.”

Pero nakabanggaan nito si June Mar Fajardo na tumatakbong pabalik sa kanilang court.

Agad namang hinuli ng Araneta security ang lalaki pero hindi ito nakaligtas kay Ronald Tubid na mabilis na nasuntok ang nanggulong Spider Man.

Tatlong iba pa ang nasa kustodiya ng pulisya dahil nakisama sa gulo.

Samantala, dahil sa “miracle shot” ni Marc Barroca ay ga-hiblang naipanalo ng Magnolia ang Game 5 kontra San Miguel sa score na 88-86 para sa 3-2 lead sa finals.

Dahil dito ay isang panalo na lang ang Hotshots para sa posibilidad na makuha ang kampeonato at ma-dethrone ang four-time champion na Beermen.

Gayunman alam ng Magnolia na hindi basta basta bibigay ang San Miguel sa kanilang sunod na laban sa Game 6 sa Linggo.

Read more...