Makati Mayor Abby Binay, nagsagawa ng miting de avance

Kuha ni Jong Manlapaz

Nagsagawa ang kampo na Team Performance ni Makati Mayor Abigail “Abby” Binay ng miting de avance sa bahagi ng Metropolitan Avenue sa Makati City, Biyernes ng gabi.

Kasama ni Binay sa event si Director Pepe Diokno, anak ni senatorial candidate Francis Chel Diokno at si administration senatorial bet Francis Tolentino.

Inaasahan naman ang pagdating ni dating Vice President at ngayon ay tumatakbong kongresista Jejomar Binay sa miting de avance ng anak.

Maliban sa mga plataporma ng mga kandidato, hinarana naman ni Erik Santos ang mga dumalong tagasuporta ni Binay.

Nagbigay-aliw din bilang host ng programa sina Jason Gainza, Empoy Marquez, impersonator na si Kaladkaren Davila at aktres na si Niña Dolino.

Read more...