BLACKPINK babalik sa bansa para sa fan meet

Nakatakdang bumalik ng Pilipinas ang K-pop group na BLACKPINK.

Sa Hunyo nakatakdang bumalik ng bansa ang South Korean girl group at ito na ang magiging ikalawang pagbisita nila sa Pilipinas ngayong taon.

Gaganapin ang fan meet ng BLACKPINK sa June 6 sa SM Samsung Hall sa BGC, Taguig City ayon sa Shoppee Philippines na organizer ng event.

May itinakdang mechanics ang Shopee kung saan kailangang bumili ng item sa kanilang website mula May 11 hanggang 25 para sa tsansang manalo ng tickets.

Noong Pebrero lamang nang mag-show sa Mall of Asia Arena ang grupo.

Read more...