Angkas nagpasalamat sa desisyon ng DOTr na payagan ang kanilang operasyon

Photo credit: Angkas

Tiniyak ng motorcycle ride-hailing firm na Angkas na tututukan ang kaligtasan ng mga pasahero sa loob ng anim na buwan na test run period.

Sa pahayag ng Angkas, nagpasalamat ito sa desisyon ng Department of Transportation (DOTr) na payagan ang kanilang operasyon simula sa Hunyo.

Sinabi ni Angkas head of regulatory and public affairs George Royeca na maglulunsad sila ng passenger information campaign para sa kaligtasan ng mga pasahero.

Ayon kay Royeca mayroong 99.7 percent na safety record ang Angkas.

Sa ngayon, mayroong 27,000 na accredited drivers ang Angkas.

Read more...