Pagsuko ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo ikinatuwa ng pamilya Batocabe

Ikinatuwa ng pamilya ni dating Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe ang pagsuko ni Daraga, Albay Mayor Carlwyn Baldo sa mga otoridad.

Sumuko si Baldo sa Legazpi City Regional Trial Court, Biyernes ng umaga.

Si Baldo ang itinuturong utak o masterminds sa pagpaslang kay Batocabe at police escort nito noong December 2018.

Binati ni Justin, anak na lalaki ng dating mambabatas, ang mga pulis, prosecutor at Regional Trial Court para mahuli si Baldo.

Inilabas ang arrest warrant ni Legazpi City Regional Trial Court Branch 10 Judge Maria Theresa Loquillano laban kay Baldo noong araw ng Lunes.

Ito ay dahil sa kasong double murder at anim na count ng attempted murder.

Read more...