PNP dapat imbestigahan ang umano ay pagkakasangkot ng ilang police officials kay Alyas Bikoy

Nais ni Senador Panfilo “Ping” Lacson na tignan ng Philippine National Police (PNP) ang umano’y kaalyadong matataas ng opisyal na pulis ni Peter Joemel Advincula o alyas ‘Bikoy’ sa “Ang Totoong Narcolist” video.

Ito ay matapos kumpirmahin ng PNP na mayroong contact si Bikoy sa ilang senior PNP officials taong 2016.

Sa kaniyang Twitter account, sinabi ni Lacson na dapat nang magsagawa ng mas malalimang imbestigasyon para makuhang ang detalye ukol dito.

Aniya, nasa lima hanggang anim na PNP officials ang nagsisilbing handler ni Bikoy noong 2016.

Si Bikoy ang naglahad na sangkot umano ang ilang kaanak ni Pangulong Duterte at dating Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go sa ilegal na droga.

Read more...