24 arestado sa vote-buying sa Calabarzon at CAR – PNP

Umabot na sa dalawampu’t apat na indibidwal ang naaresto ng Philippine National Police (PNP) dahil sa vote-buying sa Calabarzon (Region 4A) at sa Cordillera Administrative Region (CAR).

Ayon kay PNP Director for Operations Major Gen. Mao Aplasca, ang datos ay base sa ulat na naipadala sa kanila ng mga regional office ng PNP.

Sa mga isinagawang operasyon kontra vote-buying ay mayroong dalawang nakatakas.

Kaugnay nito’y muling pinaalalahanan ni Aplasca ang publiko na iwasan na ipagbili ang kanilang boto.

Read more...