“Ang Probinsyano” mapapanood na sa Netflix

Para sa mga mayroong na-miss na episodes ng longest-running action drama series na “Ang Probinsyano”, maaari pa rin itong mapanood.

Mapapanood na kasi sa Netflix ang teleserye.

Inanunsyo ito sa pamamagitan ng Twitter ni Eric John Salut, ang pununo ng AdProm ng ABS-CBN.

Mapapanood ng Netflix subscribers ang unang 50 episodes ng show.

“Brothers” ang international title ng teleserye sa Netflix.

Ang teleseryeng “Ang Probinsyano,” ay nasa ikapitong season na ngayon at nagsimula itong umere noon pang 2015.

Read more...