Sa joint oversight hearing ng House Committees on Appropriations at Basic Education and Culture, hiniling ng Mababang Kapulungan sa ahensya na silipin ang teacher-to-student ratio sa bansa upang maisaayos ang anumang kakulangan at mapaunlad ang pagbahagi ng kaalaman at sistema ng pagtuturo sa Pilipinas.
Sa iprinisintang report ng DepEd, ang average teacher-to-student ratio nitong 2018-2019 sa elementary school ay isang guro sa bawat 29 na estudyante, 1:25 naman sa junior high school at 1:29 sa senior high school.
Aminado naman si DepEd Usec. Nepomuceno Malaluan na may mga paaralan ang sobra ang bilang ng mga guro at ang ibang eskwelahan ay kinakapos sa bilang dahil sa problema sa relokasyon ng mga ito.
Ngayong taon Target ng DepEd na kumuha ng 10,000 new teacher items upang mapunan ang kakulangan sa bilang ng mga guro sa bansa.