WATCH: Music video ng “A Whole New World” para sa pelikulang “Aladdin” inilabas ng Disney

Ilang araw bago lumabas sa mga sinehan ang live action film na “Aladdin: inilabas ng Disney ang music video ng sountrack nito na “A Whole New World”.

Tampok sa bagong version ng awitin sina Zayn Malik at Zhavia Ward.

Ang kantang “A Whole New World” ay orihinal na nai-record noong 1992 para sa animated version ng “Aladdin” at sina Brad Kane at Lea Salonga ang umawit nito na sila ring nag-boses sa mga karakter na Aladdin at Princess Jasmine.

Kabilang ang “Aladdin” sa hanay ng animated classics ng Disney na may live-action reboots.

Ang iba pa ay ang Mulan, Lilo & Stitch, The Hunchback of Notre Dame at ang The Little Mermaid.

Ang 2019 remake ng Aladdin ay pinagbibidahan nila Will Smith bilang Genie, Naomi Scott bilang Jasmine, at Mena Massoud bilang Aladdin.

Sa May 22 ay ipalalabas sa Philippine cinemas ang pelikula.

Read more...