Panelo pumalag sa Facebook meme kaugnay sa bagong matrix ng oust Duterte plot

Hindi naiwasan ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na madismaya at pumalag sa Facebook meme sa Malacanang Events and Catering Services kung saan pinaglaruan ang kanyang litrato na nagpiprisinta ng bagong matrix ng oust Duterte plot.

Sa halip kasi na pangalan ng mga personalidad na nagtatangkang patalsikin umani si Pang. Duterte, ang nakalagay sa meme ay ang pangalan ng mga kandidatong senador mula sa otso diretso.

Ayon kay Panelo, bagamat batid niyang political meme ang nakapost sa FB, maituturing itong insulto o defamatory imputation.

Malinaw aniya na desperado na ang oposisyon.

Kinakalampag ni Panelo ang pamunuan ng Facebook na gawin ang trabaho nila at pakita ang kanilang impartiality o kawalan ng pagkiling.

Read more...