Ipinagharap na ng kasong estasfa sa DOJ ng isang negosyante mula sa lalawigan ng Sorsogon si Peter Joemel Advincula na nagpakilala ring si Alyas Bikoy.
Personal na naghain sa DOJ kanina ng reklamo si Arvin Valmores Presidente at CEO ng kumpanyang Ardeur world marketing Corp na distributor ng mga pabango sa Bicol Region.
Kasama ni Valmores sa DOJ bilang kanyang legal counsel si dating Bucor Director General Atty. Benjamin Delos Santos.
Kwento ni Valmores, Agosto noong isang taon, nag organized si Advincula ng isang beauty pageant sa Polangui Albay, kung saan pinalabans nitong siya ang sponsor ng pageant pero gamit ang logo ng kumpanya ni Valmores.
Umabot umano sa mahigit P304, 000 ang inestafa ni Advincula matapos nitong takbuhan ang mga kinuhang tao sa kabuuan ng production.
Ayon kay Atty. Delos Santos, wala itong kaugnayan sa kontrobersyal na Ang Totoong Narcolist videos ni Advincula bilang si Bikoy.
Paliwanag ng kampo ng Complainant, naipa’blotter na nila si Advincula noon pa pang isang taon.
Ngayon na lang ayon kay Atty. Delos Santos naisampa ang kaso matapos lumutang kamakilang si Advicula at magtago matapos ang pageant sa Polangui.