Kagawad patay sa pamamaril sa Quezon

Patay ang isang konsehal matapos itong tambangan sa bayan ng San Andres sa lalawigan ng Quezon.

Pinasok ng dalawang hindi pa nakilalang suspek ang bahay ng biktimang si Rodini Boot, barangay kagawad sa Barangay Tala, alas 2:00 ng madaling araw ng Biyernes, May 10.

Nakita pa ng asawa ng biktima ang nangyari pero agad siyang hinila ng mga suspek, tinakpan ang kaniyang bibig at tinutukan siya ng baril.

Hiningan din umano siya ng pera ng mga suspek.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

Read more...