Sa naging pasya ng anti-graft court sinabi nito na hindi napatunayan ng prosekusyon ang guilty ng akusado beyond reasonable doubt.
Ang kaso ay kaugnay sa sinasabing hindi pagsasama ng kanyang mga ari-arian sa Bangkal, Makati City; Tunasan, Muntinlupa; Los Baños at Sta Rosa, Laguna mula noong 2002 hanggang 2005.
Apat na bilang ng kasong perjury ang inihain ng Office of the Ombudsman kay Genuino dahil dito.
Nakasaad din sa pasya ng husgado na inaalis na ang hold departure order laban sa dating PAGCOR chief habang deemed released na ang inihain nitong piyansa na nagkakahalaga ng kabuuang P24,000.