PNP naglunsad na ng operasyon para maaresto si Joemel Advincula na nagpakilalang “Bikoy”

Naglunsad na ng operasyon ang Philippine National Police (PNP) para maaresto si Peter Joemel Advincula, ang lalaking nagpakilalang si “Bikoy” na nasa serye ng anti-Duterte videos na “Ang Totoong Narcolist”.

Ayon kay PNP spokesperson Police Colonel Bernand Banac, ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang mangunguna sa operasyon.

Si Advincula ay mayroon warrant of arrest para sa kasong illegal recruitment na inilabas ng korte sa Baguio City.

Sa naturang arrest warrant nakasaad na gumagamit si Advincula ng mga alyas para makaiwas sa pagkakaaresto.

Read more...