Magnitude 6.3 na lindol tumama sa Miyazaki, Japan

Niyanig ng magnitude 6.3 na lindol ang bahagi ng Miyazaki sa Japan, Biyernes (May 10) ng umaga.

Naitala ang lindol alas 7:48 ng umaga oras sa Pilipinas.

Ayon sa US Geological Survey, naitala ang lindol sa 38 kilometers ng Miyazaki at naramdaman din ang pagyanig sa South Korea.

Wala naman pang napaulat na pinsala dulot ng nasabing lindol.

Read more...