Driver’s license ng football star na si David Beckham sinuspinde ng 6 na buwan

AP Photo
Anim na buwang hindi makapagmamaneho ang football star na si David Beckham matapos supsindihin ang kaniyang lisensya.

Nahuli kasi si Beckham na gumagamit ng kaniyang cellphone habang nagmamaneho.

Naghain ng guilty plea si Beckham para sa kaso matapos mahuli sa paglabag sa traffic laws sa Bentley, London noong Nov. 21, 2018.

Inatasan din si Beckham na magbayad ng £750 na multa at magbayadp ng £100 na prosecution costs at £75 surcharge fee sa loob ng pitong araw.

Read more...